Force Multipliers, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Aklan

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng force multipliers sa Mangrove Tree Planting Activity sa Lake town, Sitio Lugutan, Barangay Manoc-manoc, Boracay Island, Malay, Aklan nito lamang ika-3 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Aklan Maritime Police Station, kasama ang mga residente ng Ati Village at AMPA GUARD sa pakikipagtulungan kay Sister Elvira Odiamot mula sa Our Lady of The Most Holy Rosary Parish Ati Mission.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno ng mangroves, layunin ng grupo at ng komunidad na mapanatili ang kaligtasan ng mga baybayin at ang natural na balanse ng kalikasan sa isla.

Ang ganitong mga gawain ay nagpapakita ng pagkakaisa at dedikasyon ng naturang grupo at iba’t ibang sektor ng lipunan upang pangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *