Clean-up Drive isinagawa sa Dilasag, Aurora

Nagtulungan ang pulisya at mamamayan sa pagsasagawa ng clean-up drive sa Barangay Dicabasan, Dilasag, Aurora nito lamang Biyernes, ika-1 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Dilasag Municipal Police Station kasama ang mga opisyal ng barangay, stakeholders at mga Barangay Health Workers.

Matagumpay na nalinis ang kalsada sa pamamagitan ng pagpulot ng mga plastik na nakakalat sa lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong malinis ang kapaligiran at matanggal ang mga plastik na maaring magdulot ng polusyon at nakakasira sa kagandahan ng paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *