Kaligkasan Volunteers nakiisa sa Tree Planting Activity sa Dipaculao, Aurora
Nakiisa ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Actvity sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Disyembre 2023. Kasama sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Environment and Natural Resources, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Force Multipliers, BPATs, Women’s Sector, mga guro at mag-aaral. Tulong-tulong sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magsisilbing lilim sa lugar. Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kapaligran at maiwasan ang init ng panahon na dulot na global warming.