Tree Planting Activity isinagawa sa Mariveles, Bataan

Nagkaisa ang pulisya at mamamayan sa pagtatanin ng mga punong-kahoy sa Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Disyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Bataan PNP, Advisory Council, Youth Sector at mga mag-aaral. Ang aktibidad ay kaugnay sa proyekto ng Department of Education na “DepEd’s 236,000 Trees: a Christmas Gift for the Children” na kung saan umabot sa 200 na iba’t ibang uri ng punong-kahoy ang naitanim sa lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at mamamayan upang mapanatili ang kagandahan ng kalikasan at maging ligtas ang pamayanan para sa susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *