Kaligkasan Warrior nakiisa sa Tree Planting Activity sa Orani, Bataan

0
405493522_1836429483495152_1866422448558981687_n

Nakiisa ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Masapsap, Barangay Bayan, Orani, Bataan nito lamang Linggo, ika-10 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander.

Nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy sa lugar. Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kagubatan at maiwasan ang pagguho ng lupa lalo na kapag tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *