BPATS Skill Enhancement Symposium isinagawa sa Mabalacat City

Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang Skills Enhancement Symposium ng Mabalacat City PNP sa Barangay Mawaque, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Sabado, ika-9 ng Disyembre 2023.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Alfredo DL Canlas, Acting Chief of Police.

Tinuruan ng pulisya ang mga BPATs ng handcuffing at defensive arnis techniques at binigyang kaalaman rin sila sa iba’t ibang batas. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga BPATs at magamit nila sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *