NARIAG, nakiiisa sa isinagawang Outreach Program sa Quirino

Aktibong nakiisa ang grupo NGO na Anti-Narcotics International Assistance Group sa isinagawang Outreach Program Cabbaroguis, Quirino nito lamang Disyembre 15, 2023.

Naging posible ang aktibidad sa muling pag-arangkada ng project CATMAN o Community anti carnapping and traffic safety education, mapping assessment and networking na pinamumunuan ng Quirino Highway Patrol Group kung saan nakinanabang ang mga BPAT’S member ng nasabing lugar.

Nagsagawa din community outreach program kasama ang grupong NARIAG, Full Spectrum Riders, Brgy. Force Multipliers, BPAT’s member at Quirino Highway patrol team Masaya namang tinaggap ng mga benipisyaryo ang mga grocery food packs na magagamit para sa kanilang maagang noche buena.

Sa ganitong aktibidad, naipakita ng iba’t ibang grupo ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng komunidad tungo sa hinahangad na peace and order kasama ang Quirino PNP.

Source: Highway Patrol Team Quirino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *