Community Outreach Program isinagawa sa Mayantoc, Tarlac

Nagkaisa ang pulisya at mamamayan sa isinagawang Community Outreach Program para sa mga residente ng Barangay Labney, Mayantoc, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-16 ng Disyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga tauhan ng Overlanding 2300 Company, Faith-Based, KKDAT at mga miyembro ng women sector.

Nagkaroon ng feeding program at pamimigay ng food packs, mga laruan, kagamitan sa paaralan at mga tsinelas para sa mga benepisyaryo.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng saya sa mga mamamayan lalo na ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *