Advisory Council Group ng 2nd Cagayan PMFC, umarangkada ng outreach program sa bayan ng Abulug

Muling umarangkada ang Advisory Council Group ng 2nd Cagayan PMFC sa isinagawang outreach program sa Sitio Pinaron at Lagum, Brgy Guiddan Abulug, Cagayan noong ika-19 ng Disyembre 2023.

Katuwang ng grupo ang 2nd Cagayan PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Darwin John B Urani, Force Commander sa paghatid ng serbisyo sa residente ng nasabing lugar.

Nakapag-abot ang grupo ng noche buena packs, mga gamit pang kusina, pre-loved clothes, jacket at mga regalo galing sa kapulisan. Labis ang tuwa at ngiti ng 80 na pamilya na naging benepisaryo ng munting handog ng grupo.

Ang Advisory Council Group ay patuloy sa pakikiisa at walang sawang sumusuporta sa programa ng gobyerno kasama ang kapulisan upang ipadama ang malasakit sa komunidad na handang tumulong hindi lamang ngayong kapaskuhan.

Source: 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *