Community Outreach Program isinagawa sa bayan ng Buguey

Nagkaisa ang stakeholders, lokal na pamahaalan ng Buguey, Brgy based- group at kapulisan ng Buguey Police Station sa pamumuno ni PoliceMajor Cherie B Bartolome, Acting Chief of Police sa isinagawang community outreach program noong ika-18 ng Disyembre 2023 sa Brgy. Cielo, Buguey Cagayan .

Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ng Lokal na pamahalaan ng Buguey na pinangunahan ni Hon. Licerio Antiporda III,Municipal Mayor.

Nagsagawa ang grupo ng medical mission, distribution of food packs at gift giving na dinumog ng mga residente. Bukod dito, nagsagawa din ng distribution of vegetable seeds for livelihood para sa mga mgasasaka.

Ang faith-based group naman ay nagbahagi ng mga salita ng Diyos upang maging gabay at mabawasan ang krimen sa lugar.

Samantala, nagsagawa din ng lecture sa Violence Against Women and Children R.A 9262 at Anti-Rape Law R.A 8353 ang kapulisan upang bigyang kamalayan sa mga naaangkop na parusa o pagkakakulong. Ang paghahatid ng serbisyo sa komunidad ay nagiging matagumpay dahil sa pagkakaisa ng mga grupong nagbigay saya at ngiti na isa rin pamamaraan upang makatulong sa kapwa.

Source: Buguey Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *