Religious Sector, nakiisa sa Gift Giving Activity sa Calbayog City Samar

Nakiisa ang mga Religious Sector sa isinagawang Gift Giving Activity na ginanap sa Brgy. Tinambacan Sur, Calbayog City, Samar nito lamang ika-20 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng 1st Samar PMFC kasama ang mga Religious Sector sa pangunguna ni Pastor Felicisimo S. Sagadal Jr. mula sa Lord of Lords International Ministry.

Mahigit 80 na mga bata sa lugar ang nabigyan ng meryenda, tsinelas at prutas. Nabigyan din ang kanilang mga magulang ng damit.

Ang aktibidad ay isa sa mga best practices ng 1st Samar PMFC na tinaguriang “Paa Mo, Tsinelas Ko tungo sa kinabukasan mo”. Ito ay naglalayong mapasaya ang mga kapus-palad na mga bata ngayong nalalapit na pasko at palakasin ang maayos na relasyon ng pulisya at ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *