Faith-Based Advocacy Group, nagsagawa ng fellowship at counseling sa mga PWUDs sa Aklan

Nagsagawa ng fellowship at counseling ang miyembro ng ng Faith-Based Advocacy Group sa mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) na kasalukuyang sumasailalim sa personal na pagbabago sa New Washington Municipal Police Station sa Poblacion, New Washington, Aklan.

Pinangunahan ni Pastor Shann Marc A. Santiago, Life Coach ang isang pagtitipon at pagsamba katuwang ang PWUD’s at mga tauhan ng News Washington MPS.

Ang aktibidad ay isinasagawa ng lingguhan upang magbigay ng counseling sa mga indibidwal na nagnanais magbagong-buhay.

Ang gawain ng grupo ay nagpapakita ng suporta at gabay sa mga ang miyembro ng PWUD’s para sa kanilang pagnanais na makapagbagong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *