Feeding Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group

Nagsagawa ng isang Feeding Activity ang Advocacy Support Group at Peñablanca PNP nitong Enero 3, 2023 para sa Agta Community sa Brgy. Agugaddan, Peñablanca, Cagayan.

Umabot sa 30 katutubo ang naging benepisyaryo ng nasabing aktibidad na bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Police Brigadier General Christopher C Birung, RD, PRO 2.

Maliban dito, nagbahagi din ng kaalaman si Pastor David Batan ng Faith Based Group ukol sa KASIMBAYANAN upang mapalawig ang kaalaman ng mga katutubo sa programang ng kapulisan

. Pasasalamat naman ang naging tugon ng mga benepisyaryo sa pagpili ng grupo sa kanilang komunidad upang pagdausan ng proyektong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *