KKDAT, nakiisa sa Feeding Program sa Apalit, Pampanga

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Feeding Program sa Barangay San Vicente, Apalit, Pampanga nito lamang Martes, ika-9 ng Enero 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Pampanga 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Michael B Masangkay, Force Commander.

Kasama rin sa akibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan kung saan namahagi ng libreng lugaw sa mga kabataan at mga residente ng lugar. Patuloy ang mga miyembro ng KKDAT sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa pagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na maglingkod sa pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *