Advocacy Groups at mga benepisyaryo ng 4Ps, nakiisa sa KALINISAN Day
Naglalaan ng oras ang mga Advocacy groups at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang makiisa sa isang makabuluhang gawain para sa kanilang komunidad nito lamang ika-8 ng Enero 2024.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa hindi lamang sa Pangasinan kundi pati na rin sa iba’t ibang lalawigan sa Rehiyon Uno at sa buong bansa.
Layunin ng KALINISAN Day na itaguyod ang kalinisan, luntian, at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga miyembro ng komunidad.
Ang KALINISAN Day ay isang pagkakataon para sa mga benepisyaryo ng 4Ps at mga iba’t ibang grupo na magbigay pugay sa kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, nagsilbing huwaran ang mga ito sa pagtaguyod ng mas malinis at mas maayos na kapaligiran.
Binibigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro ng komunidad na maging bahagi ng solusyon at hindi lamang bahagi ng problema.
Ang aktibidad ay pagbibigay pugay sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa, nagpapakita ng positibong epekto ng programa sa hindi lamang sa ekonomiya kundi pati na rin sa paghubog ng mas makatao at makabagong lipunan.