Barangay Peacekeeping Action Teams, nakilahok sa dayalogo sa Catanduanes

San Andres, Catanduanes- Nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang dayalogo at koordinasyon na isinagawa ng San Andres PNP sa Barangay Carangag, San Andres Catanaduanes nito lamang Enero 7, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng San Andres Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Emsol E Icawat, Chief of Police.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang Peace and Order situation ng kanilang bayan, Anti-illegal drugs Awareness, at RA 9262 o Violence Against Women’s and their Children.

Layunin nito na mapaigting at madagdagan ang mga kaalaman ng mga miyembro ng BPATs, bilang Force Multipliers ng PNP na nagiging katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakuapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *