BPATs, nakilahok sa Skills Enhancement Training sa Masbate
Placer, Masbate- Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Skills Enhancement Training na ginanap sa Barangay Guinhan-ayan, Placer Masbate nitong ika-14 ng Enero 2024.
Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng mga personahe ng Masbate 2nd PMFC sa pamumuno ni PLtCol Norlando F Mesa, Force Commander.
Itinuro sa mga miyembro ng BPATs ang tamang kaalaman sa pag-aresto, pagpoposas at kasabay nito ang pagbibigya kaalaman patungkol sa EO 70 (NTF-ELCAC), Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), Knowing thy Enemy (KTE), at Crime Prevention Tips.
Layunin ng aktibidad na maturuan ang mga miyembro ng BPATs ng mga bagong kaalaman na kanilang magagamit bilang Force Multipliers ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.