Force Multipliers Advocacy Support Group, nakilahok sa Coastal Clean-up Drive sa Sarangani Province

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers Advocacy Support Group sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa baybayin ng Purok 10-B, Brgy. Poblacion, Malapatan, Sarangani Province nito lamang umaga ng Pebrero 1, 2024.

Nanguna sa naturang aktibidad ang mga kawani ng Philippine Coast Guard, MENRO, MDRRMO, opisyales ng nasabing barangay, at at Kiamba PNP.

Nagtulungan ang mga nasabing lingkod bayan sa pag-alis ng mga basura na naglalaman ng mga kemikal at iba pang kalat upang mapanatili ang kalinisan ng karagatan.

Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan upang sa ganoon ay magkaroon sila ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *