Force Multiplier, aktibong nakiisa sa BPAT’s Training at Refresher Course sa Alabel, Saranggani

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Pecekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang BPAT’S Training at Refresher Course na isinagawa sa Barangay Spring, Alabel,Sarangani Province nito lamang Pebrero 2, 2024. Lumahok ang 20 bagong miyembro ng BPAT’S at 14 na Purok Chairman ng barangay sa isinagawang BPAT’s training at refresher course ng mga tauhan ng Alabel Municipal Police Station kung saan tinuruan ang mga bagong kasapi ng tungkol sa mga tamang pag-aresto, at paggamit ng posas ,pagtatanggol sa sarili at iba pa. Bukod pa rito, tinalakay din ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad para maging handa sa anumang sitwasyon. Layunin ng mga pagsasanay na hubugin at mabigyang kaalaman ang mga bagong miyembro ng Force Multipliers ng PNP upang magampanan ng maayos at tama ang kanilang mga tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *