BPAT’s nakiisa sa Medical Mission sa General Santos City
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPATs) sa inilunsad na Medical Mission at pamamahagi ng kagamitang pang barangay sa Barangay Upper Labay, General Santos City nito lamang Pebrero 2, 2024.
Malaki ang pasasalamat ng mga benepisaryo dahil sa kanilang natanggap na iba’t ibang serbisyo tulad ng medical mission, libreng gupit, pamamahagi ng school supplies, bags at meryenda para sa mga bata at lubos na ikinatuwa ng mga barangay chairperson ang tig-iisang sako ng bigas at ang pag turn over ng 150 na upuan at 10 lamesa para sa barangay.
Naisakatuparan ang programa sa pangunguna ng mga dedikadong kawani mula sa LGU-Gensan, katuwang ang mga tauhan mula sa PNP, BJMP, City Health Office, at iba pang pribadong grupo at stakeholders.
Ito ay nagpapakita ng patuloy na pagmamalasakit ng mga lingkod bayan sa kanilang komunidad. Sa pagtutok sa dekalidad na serbisyo, layunin ng mga ito na mapabuti ang buhay ng kanilang mga mamamayan at maging instrumento ng positibong pagbabago.