KKDAT sa Northern Samar, nakiisa sa First Aid at Basic Life Support

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang First Aid at Basic Life Support na ginanap sa Brgy Capacujan, Palapag, Northern Samar nito lamang ika-5 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Capacujan na pinangunahan ni PLt John Michael Deseo Cripino, Auxiliary Team Leader at PLt Dante R Basibasi, Security Team Leader sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Sonnie B Omengan, Provincial Director ng Northern Samar Provincial Police Office.

Naging kalahok sa aktibidad ang mga mag-aaral ng Capacujan National High School na miyembro ng Boy Scout of the Philippines at Girl Scout of the Philippines.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong pagbutihin ang mga praktikal na kasanayan, pagkakaisa, pisikal na kakayahan, pagpapaunlad ng personal na pag-unlad at pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *