Advocacy Support Group, nakilahok sa Livelihood Training Program sa Iloilo

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa livelihood training program sa paggawa ng dishwashing liquid sa Brgy. Labigan, Sara, Iloilo nitong ika-5 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company na dinaluhan ni SB Mychel Muyco, na siyang naging sponsor ng nasabing programa at kasama din sa dumalo ay si Punong Barangay Joel A Villaruel, mga Barangay Officials ng Labigan, at dalawamput-limang (25) KALIPI na miyembro ng Women’s Association.

Ang mga kalahok ay tinuruan kung paano ang proseso ng paggawa ng dishwashing liquid at ang mga ito nakatanggap ng isang starter kit na naglalaman ng kumpletong set ng kailangan upang makagawa ng dishwashing liquid.

Natapos ang aktibidad na may produktibong resulta at nakagawa ng kabuuang walumpung 80 bote ng mga dishwashing liquid.

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang madagdagan ang kanilang kaalaman na makakatulong sa kanila upang bumuo ng kanilang sariling negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *