Opisyales ng Barangay Bubuyan, nakilahok sa Symposium
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Lupon, Tanod, Barangay Health Workers (BHW) at Violence Against Women and their Children (VAWC) Officers sa isinagawang Lecture and Symposium na ginanap sa Barangay Bubuyan, Calamba City, Laguna nito lamang ika-9 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga miyembro ng Curao Regional Mobile Force Battalion 4A sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Agosto Asuncion, Force Commander at Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Meldrid E Patam.
Ibinahagi sa 30 na miyembro ng Lupon, Tanod, BHW at VAWC Officers ang tamang impormasyon patungkol sa Executive Order Number 70 (NTF-ELCAC), Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), Drug Awareness, Safe Spaces Act at Cyber Crime Prevention Tips.
Layunin ng aktibidad na maturuan ang mga aktibong miyembro ng nasabing barangay ng mga bagong kaalaman na kanilang magagamit bilang Force Multipliers ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.