KKDAT Itbayat Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Itbayat sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Yawran, Itbayat, Batanes noong ika-9 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng Itbayat National Agricultural Yes-O, katuwang ang mga miyembro ng PNP Itbayat, BFP Itbayat at Itbayat Yes-O Officers.

Tulong-tulong ang grupo sa pagtatanim ng nasa 50 mahogany seedlings.

Ang patuloy at matagumpay na pagsasakatuparan ng aktibidad ay bahagi ng mga hakbangin ng grupo upang ipakita ang malasakit sa kalikasan para sa kapakanan ng mamamayan.

Ang Advocacy Support Group katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyo sa ating komunidad na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran para sa mas progresibong pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *