Kabataan Kontra Droga at Terorismo, nagsagawa ng Outreach Program
Nagsagawa ng Outreach Program ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa pangunguna ni Ms. Sheena Ballesteros, KKDAT President katuwang ang Faith-Based Leaders sa Barangay Minanga Sur, Iguig, Cagayan noong ika-10 ng Pebrero 2024.
Sinimulan ang programa sa pagsasagawa ng Revitalized KASIMBAYANAN na sinundan ng talakayan hinggil sa anti-illegal drugs at anti-insurgency na programa ng ating gobyerno.
Naisagawa din sa naturang outreach program ang project “INDAK” na kung saan ito ay tinawag ng Iguigeños na “Nurturing Dance Accelerating Kinship among Community”, at nagkaroon din ng libreng pakain para sa 50 na mga kalahok sa programa.
Ang KKDAT ay buo ang suporta sa mga ahensya ng ating gobyerno sa pagbibigay ng tamang kaalaman at pagbibigay ng impormasyon tungo sa magandang kinabukasan ang ating mga kabataan.
Source: Iguig Police Station