Pagsasanay ng Barangay Peacekeeping Action Teams, isinagawa

Sumailim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa Sta. Monica Barangay Hall, Agoo, La Union nito lamang ika-10 ng Pebrero 2024.

Nasa 20 na miyembro ng BPATs ang sumailim sa pagsasanay na pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company at Special Weapon and Tactics.

Tinalakay ng mga tagapagsanay ang iba’t ibang paksa tulad ng basic arnis, traffic laws at sinundan naman ito ng demonstrasyon at pagsasanay sa tamang pamamaraan ng pag-aresto, depensa sa sarili, at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Layunin ng pagsasanay na itaas ang kaalaman, kahusayan at kakayahan ng mga miyembro ng BPATs sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang katuwang ng PNP at lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at pag-iwas sa krimen sa kanilang nasasakupan.

Source: 2nd La Union PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *