Tree planting at Clean-up Drive, isinagawa

Patuloy ang aktibong pakikiisa at pagtulong ng mga miyembro ng Barangay-Based Advocacy Group, Kabataan Kontra Droga At Terorismo at Youth for Peace Baggao Chapter sa isinagawang Tree Planting at Clean-Up Drive sa Barangay Dalla, Baggao, Cagayan noong Pebrero 10, 2024.

Nakapagtanim ang grupo ng nasa100 fruit bearing seedlings at nagtulong-tulong sa pamumulot at paglilinis ng basura sa tulong at pakikiisa ng Baggao Police Station.

Ito ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang kalinisan at maaliwalas na pamayanan, gayundin, upang itaas ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran.

Ang aktibidad ay alinsunod sa “I Love Cagayan River Movement” bilang bahagi ng PNP Community Program, tagapagtaguyod ng pangangalaga sa kapaligiran upang maging halimbawa sa bawat mamamayan.

Source:  Baggao Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *