60 na atleta ng Benguet, nakatanggap ng incentives
Namahagi ng cash incentives sa mga atleta ng Benguet ang lokal na pamahalaan ng Benguet na ginanap sa Benguet Sports Complex, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-20 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Benguet Representative Eric Go Yap at pinangasiwaan ni Provincial Sports Coordinator na si Dean Mark Monang.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang kanilang suporta at isa ring paraan ng pagkilala sa pagsusumikap ng mga nasabing atleta bilang kinatawan ng lalawigan sa mga palarong pambansa.
May kabuuang Php147,000 na insentibo ang naipamahagi sa 60 atleta, kasama ang kanilang tagapagsanay na nagwagi ng mga medalya sa pinakabagong Philippine National Games at Batang Pinoy competitions.
Ang pagbibigay ng mga insentibo sa mga atleta ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang suporta sa mga atleta at pagpapaunlad ng sports sa pamamagitan ng pagsasagawa ng detalyadong plano at paglalagay ng mga modernong pasilidad na magagamit sa pagsasanay para sa mga atletang Pilipino.
Panulat ni: Len