KKDAT at Advocacy Support Groups, nakiisa sa Blood Donation Drive
Isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa ng mga miyembro ng KKDAT, Advocacy Support Groups at ng mga residente ng Tuguegarao City para sa isang Bloodletting Activity na may temang “Dugong Alay, Katumbas ay Buhay,” na ginanap sa SM City Tuguegarao, nito lamang Marso 1, 2024.
Pinangunahan ni Police Major Magno T Catubag, Officer-In-Charge ng Tuguegarao Component City Police Station, ang inisyatibo na kumuha ng malawakang suporta mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
Umabot sa 92 ang mga naging blood donors at may kabuuang 41,400 cc ng dugo ang nalikom. Ang malaking kontribusyon na ito ay nagpapakita ng dedikasyon sa komunidad ng mga KKDAT at Advocacy Support Groups sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang lokal na stakeholders at Tuguegarao Component City Police Station bilang paggunita sa 2024 National Women’s Month.
Source: Tuguegarao Component Police Station