KKDAT Symposium, isinagawa sa Eastern Samar
Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ang isinagawang symposium na ginanap sa Lalawigan National High School sa Barangay Lalawigan, Borongan City, Eastern Samar nito lamang Biyernes, Marso 1, 2024.
Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Eastern Samar Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Major Jim S Balase, Chief, Provincial Investigation and Detective Management Unit na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral at guro ng nasabing lugar.
Nakatuon ang symposium sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nakaangkla sa programa ng ating pamahalaan na “Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang pwersa sa pagsugpo laban sa ilegal na droga at mabigyang kamalayan ang komunidad partikular sa mga kabataan na mailayo sila sa anumang kapahamakan para magkaroon ng maayos at ligtas na pamumuhay tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Ma. Elena