China, inalmahan ang anila’y paggamit ng Pilipinas ng “external force”
Umalma ang China sa anila’y paggamit ng Pilipinas ng “external force” sa pagpatrol sa South China Sea, kasunod ng kamakailang Joint Patrol ng Pilipinas at US Indo Pacific Command.
Ayon sa Chinese Ministry of National Defense na magdudulot ito ng tensyon at banta sa kapayapaan. Nagpahayag sila ng pagtutol sa pagpapalaki ng sitwasyon at sinabing walang karapatan ang mga non-regional country na makisali sa maritime dispute.
Pinanindigan naman ng Department of Foreign Affairs ang maritime activity ng Pilipinas at Amerika, na bahagi ng Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa upang palakasin ang kanilang alyansa. Iginiit din na ang aktibidad ay naganap sa loob ng ekslusibong economic zone ng Pilipinas at ayon sa International Law.
Source: 24 Oras (GMA News)