3-Day P.R.O.T.E.C.T Seminar nilahukan ng Force Multipliers
Nilahukan ng mga Force Multipliers ang isinagawang 3-Day Patrolling and Response Operations Training to Empower CVOs and Tanods (P.R.O.T.E.C.T) Seminar na ginanap sa Session Hall, Barangay Hagonoy, Taguig City nito lamang Marso 15-17, 2024.
Ang naturang seminar ay pinangunahan ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) ng Southern Police District katuwang ang mga Barangay Officials ng nasabing lugar.
May 35 na mga barangay tanod ang nakilahok sa nabanggit na pagsasanay para sa kanilang walang patid na suporta at tulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng kanilang barangay.
Tinalakay sa tatlong araw na pagsasanay ang tungkol sa Basic Incident Report Writing (5Ws and 1H), First Responders and Crime Scene Prevention, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165), Handling Cybercrime Concerns, Traffic and Checkpoint, Barangay Justice System: Tungkulin at Pananagutan ng isang Barangay Tanod at maraming pang iba.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayon na pagyamanin ang kanilang kaalaman, ugali, kasanayan at pagpapahalaga na kinakailangan bilang isang Force Multipliers para sa paglaban sa mga krimen, ilegal na droga at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng pamayanan kaakibat ang kapulisan tungo sa Bagong Pilipinas.