Barangay Assembly Day, isinagawa sa Oriental Mindoro
Nagsagawa ng 1st Quarter of C.Y. 2024 Barangay Assembly Day ang mga opisyal ng Barangay Maraska sa Roxas, Oriental Mindoro nito lamang Linggo, ika-31 ng Marso 2024.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga residente ng nasabing barangay at kasama sa dumalo ang mga tauhan ng Roxas Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Rosalinda C Mamburam, Deputy Chief of Police.
Ang aktibidad na ito ay nagbigay-daan sa mga residente na makapagsalita sa kung paano pinapatakbo ang kanilang mga barangay.
Pinalalakas nito ang demokrasya sa antas ng katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ordinaryong mamamayan ng plataporma para aktibong lumahok sa mga proseso ng paggawa ng desisyon na nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ang pamahalaan katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad na tutulong sa mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagmimigay ng mga karagdagang kaalaman hinggil sa mga batas at karapatan na namamayani sa bansa.
Source: Roxas MPS