Force Multipliers, nakiisa sa Symposium sa Ilocos Sur

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Symposium sa Barangay Subadi Sur, Burgos, Ilocos Sur nito lamang ika-31 ng Marso 2024.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Burgos Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Melvin G Trinidad, Officer-In-Charge.

Nakatuon ang isinagawang Symposium sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nakaangkla sa programa ng ating pamahalaan na “Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kaalaman ang mga miyemro ng Force Multipliers at palakasin ang pwersa sa pagsugpo laban sa ilegal na droga katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mailayo ang mamamayan sa anumang uri ng ilegal na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *