Mga Bagong Police Patrol Cars, ipinagkaloob sa General Santos PNP

Pormal ng ipinagkaloob ng lokal na pamahalaang lungsod ng General Santos sa pangunguna ni City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao ang limang bagong patrol car sa General Santos City Police Office nito lamang ika-3 ng Abril 2024.

Ang nasabing mga patrol car ay malugod na tinanggap nina Police Brigadier General Percival Augustus Placer, Regional Director ng Police Regional Office 12, at City Director Police Colonel Nicomedes Olaivar, Jr.

Sa isinagawang courtesy call bago ang opisyal na pagkakaloob, tinalakay din ni City Mayor Pacquiao kasama ang mga opisyal ng pulisya ang mga planong gagawin sa hinaharap sa General Santos City, tulad ng Tuna Festival, Tuna Congress, at ang paparating na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association.

Lubos namang nagpahayag ng pasasalamat si PBGen Placer sa patuloy na ibinibigay na suporta ng pamahalaan ng General Santos City lalo na sa pagbibigay ng sasakyan na gagamitin ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa naturang lalawigan.

Panulat ni Arki

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *