Force Multipliers, nakiisa sa pamamahagi ng Relief Supplies

Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang pamamahagi ng Relief Supplies sa Barangay Bagacay, Palapag, Northern Samar nito lamang ika-4 ng Abril 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Department of Social Worker and Development-Regional Office kasama ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Team Bagacay, staff ng Municipal Social Worker and Development Office, mga opisyales ng Barangay Bagacay Palapag, mga Tanod ng Barangay at mga boluntaryong miyembro ng komunidad sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na magkaiisa at magtulungan sa pamamahagi ng mga relief supplies sa mga residenteng apektado ng armadong engkwentro at lockdown sa lugar kung saan ipinagbabawal ang access sa mga pangunahing pangangailangan.

Ang grupo ay patuloy na magkakaisa sa mga aktibidad at programa na naglalayung matulungan ang mga residenteng nangangailangan. Sa paraang ito, dito napapatunayan ang tunay na malasakit ng bawat isa.

Panulat ni Cristel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *