Skills Enhancement Training, isinagawa

Nakiisa ang mga miyembro ng BPATs, Barangay Officials, Barangay Health Workers at mga residente ng Barangay San Isidro sa isinagawang Skills Enhancement Training na pinangunahan ng Masbate 2nd PMFC katuwang ang Palanas MPS, BFP at 2IB 9ID Charlie Company nito lamang ika-3 Abril 2024.

Tinalakay ng mga tagapagsanay sa nasabing aktibidad ang tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing, self-defense at pagtugon sa anumang sakuna at kalamidad sa kanilang nasasakupan.

Bukod dito, tinalakay din ang BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Program, Katarungang Pambarangay, R.A. No. 9262 (Anti-VAWC), PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030, Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) at Knowing the Enemy (KTE), Executive Order No. 70 (NTF-ELCAC), at Safe Operating of Fire Extinguishers

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng mga kaalaman na kapaki-pakinabang sa pagganap sa kanilang tungkulin upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Photos Credit/Source: Masbate 2nd PMFC

Panulat ni Brian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *