Clean-up Drive, isinagawa sa Quibal, Peñablanca
Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga miyembro ng Cagayan Tourist Police Unit sa Callao Caves Eco-Niche at Preservation Park sa Barangay Quibal, Peñablanca, Cagayan noong ika-22 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Cagayan Tourist Police Unit sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Arlene Perez, Chief of Police ng Tourist Police Unit kasama ang Cagayan Police Provincial Office-TAC Peñablanca at Peñablanca Police Station sa paglilinis ng mga kalat at basura sa nasabing lugar.
Ang aktibidad ay suporta sa PNP Core Values na “Makakalikasan” at Peñablanca Police Station Project N.A.R.E.N.U (Pag-aalaga At Pagpapanumbalik ng Kapaligiran para sa Susunod na Nagkakaisang Henerasyon).
Layunin din ng proyektong ito na gisingin at turuan ang komunidad na maging mas matalino sa kanilang mga aktibidad na nagdudulot ng pagkasira, polusyon at pagkasira ng kapaligiran at mapangalagaan ang kagandahan ng nasabing tourist destination upang maging kaaya-aya ito sa mga turista at bisita.
Source: Peñablanca PS Cagayan PPO
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus