Coastal Clean-up Drive, isinagawa ng Advocacy Support Group
Nagsagawa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group ng Coastal Clean-up Drive sa Barangay Tomongtong, E.B Magalona, Negros Occidental nitong umaga ng ika-22 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Municipal Environment and Natural Resources Officer, Provincial Environment and Natural Resources Office kasama ang EB Magalona MPS, 605th Company ng Regional Force Mobile Company 6, mga estudyante ng STI, USLS, Barangay Tomongtong Women’s Association and Council, Negros Occidental Miners Permittees Association Inc. (NOMPAI).
Ang Coastal Clean-up Drive ay bahagi ng isa sa Core Values ng PNP na “Makakalikasan” at bahagi din sa paggunita ng Earth Day.
May kabuuang 30 sakong basura ang nalikom ng grupo sa naturang baybayin na maaaring makapinsala sa karagatan gayundin sa mga residente ng nasabing lugar.
Ipinapakita ng grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa kalikasan at pagmamahal sa kanilang komunidad para sa ikauunlad ng ating bansa.
Source: PCADG Western Visayas