Force Multipliers at KKDAT, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive

Nakiisa ang mga Force Multipliers at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Coastal Clean-up Drive na ginanap sa Barangay 90, Tacloban City nito lamang ika-20 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan at organisado ng Sangyaw Foundation Inc. sa pamumuno ni Ginoong Ernest Montejo, President na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral na Criminology Interns ng Leyte Colleges, Visayas State University-Tolosa, Asian Development Foundation College at Information Technology Interns ng AMA Computer Learning Center.

Kasama din sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Edwin S Cañamaque, Chief City Community Affairs and Development Unit / Public Information Office sa pangangasiwa ni Police Colonel Michael P Palermo, City Director.

May kabuuang bilang na 40 garbage bags na puno ng basura ang nakolekta ng nasabing grupo sa mga coastal areas sa nasabing lugar.

Ang naturang aktibidad ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa wastong pagpapanatili ng maayos at malinis na kapaligiran para sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.

Source: Tacloban City Police Office

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *