Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Activity at Symposium
Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity at Symposium sa Barangay Tinapuay, Banga, Aklan nito lamang ika-27 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company ang Diocesan Social Action Center-Kalibo Inc., Rotaract Club of Kalibo, Barangay Officials at KKDAT ng nasabing lugar.
Matagumpay na nakapagtanim ang mga kalahok para palitan ang mga nasirang puno sanhi ng mga kalamidad na kung saan ay tinagurian ang aktibidad na “Plant for the Future” na sinundan ng talakayan ukol sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Layunin ng grupo na magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa mga batas at patuloy din na pangangalagaan ang ating kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.
Source: 1st Aklan PMFC
Panulat ni Julius