KKDAT, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa Coastal Clean-Up Drive na ginanap sa baybaying dagat ng Barangay Poblacion, Pilar, Capiz nito lamang ika-4 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Pilar Municipal Police Station kasama ang Barangay Council, SK Council, Barangay Health Worker, Barangay Peacekeeping Action Team at Barangay volunteers.
Masugid na nilinis ng mga kalahok ang naturang baybayin at nilikom lahat ng basurang nakakalat upang maiwasan na makontamina ng kemikal ang karagatan na maaaring magdulot ng polusyon sa tubig dagat.
Layunin ng grupo na panatilihin ang kalinisan ng karagatan upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran.
Source: Pilar MPS
Panulat ni Julius