1st Quarter Meeting, isinagawa sa Basilan
Isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng mga personahe ng Lamitan City, Basilan sa Datu Dizal Cultural Center in Lamitan City, Basilan noong ika-9 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng City Government ng Lamitan katuwang ang City Social Welfare and Development Office at 1403rd B – Regional Mobile Force Battalion 14-B sa pamumuno ni Police Major Ferick Jay G Comafay, Company Commander.
Kabilang sa isinagawang aktibidad ay ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa Local Council for the Protection of Children at Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children.
Layunin ng aktibidad na ito na magbigay kaalaman tungkol sa mga karapatan ng bawat isa para maiwasan ang mga krimen na lumalaganap sa komunidad.
Patunay lamang na ang aktibidad na ito katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan at Pambansang Pulisya na patuloy na gagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na magbigay serbisyo publiko para sa maayos at mapayapang Bagong Pilipinas.