Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Barangay Tab-o Jimenez, MisOcc

Kita ang pagtutulungan ng iba’t ibang grupo at ahensya ng gobyerno sa isinagawang Coastal Clean-up drive sa Barangay Tab-o Jimenez, Misamis Occidental nito lamang ika-9 ng Mayo 2024.

Matagumpay at mabilis natapos ang aktibidad sa pagtutulungan ng mga personahe ng Jimenez MPS na nilahukan ng Jimenez Coast Guard, SSLG Organization of Tab-o, Barkada Kontra Droga Organization, Barangay Officials, Teachers, BPAT at mga istudyante ng Tab-o Integrated School.

Para sa isang layunin na malinis na dalampasigan nakalikom ng mga sako-sakong basura ng non-biodegradable ang mga grupo.

Ang nasabing aktibidad ay nagpapakita ng pagkakaisa ng komunidad para sa malinis at payapang lugar.

Panulat ni Danessa Berdos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *