Free Medical Mission, isinagawa sa Maguindanao del Norte
Nagsagawa ng free medical mission ang mga tauhan ng Rural Health Unit-Matanog sa mga residente ng Barangay Kidama, Matanog, Maguindanao del Norte noong ika-9 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ni MP Jamel B. Macacua ang naturang aktibidad kaiisa ang Local Government Unit ng Matanog, Barangay Local Government Unit Kidama, Ministry of Health BARMM, Project TABANG at mga personahe ng Regional Medical and Dental Unit PROBAR.
Higit 354 residente ng naturang barangay ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal tulad ng libreng kosultasyon, libreng gamot, libreng tuli at libreng dental services.
Layunin ng aktibidad na ito na matugunan ang mga suliraning pangkalusugan ng mga residente.
Ang kapulisan, katuwang ang iba pang stakeholders, ay patuloy na maghahatid ng tamang serbisyo upang matulungan at matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mamamayan.