Pagpapatupad ng Beat Patrol, isinagawa sa Bislig City kasama ang BPATs
Nagsagawa ng Beat Patrol ang mga kapulisan ng Bislig City Police Station kasama ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Barangay San Isidro, Bislig City noong Mayo 9, 2024 mga bandang 10:30 ng gabi.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng regular na pagbisita sa barangay at night patrolling kaya naman nagiging aktibo ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga kalye at lugar ng Barangay San Isidro, na nagpapadama ng seguridad at pagtitiwala sa mga residente.
Ang layunin ng nasabing aktibidad ay upang pigilan ang posibleng paglitaw ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan at tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Sa pagtataguyod ng ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga BPATs at kapulisan, lalong lumalakas ang kapasidad ng komunidad na labanan ang anumang uri ng krimen at pagtataguyod ng kapayapaan.