Community Outreach program, isinagawa sa Aborlan, Palawan

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Fraternal Order of Eagles-Aborlan Talakaigan Eagles Club at Aborlan Marikit Lady Eagles Club sa pangunguna ni Municipal Mayor Jaime Ortega na ginanap sa Covered Court, San Juan, Aborlan, Palawan noong Mayo 11, 2024.

Kabilang sa nakiisa sa aktibidad ang 1st Palawan PMFC, MBLT-7, Philippine Coast Guard at ang Bahay Arugaan ni Maria sa pagbibigay ng mga iba’t ibang libreng serbisyo sa mga residente ng nasabing lugar.

Samantala, nakatanggap ang 150 na benepisyaryo ng libreng check-up, gamot, libreng gupit, at libreng tuli.

Ito ay pagpapakita na ang ating gobyerno ay patuloy na naghahatid ng mga de-kalidad na serbisyo, lalo na sa Geographically Isolated Disadvantaged Areas o GIDAS.

Source: 1st Palawan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *