KKDAT, nakilahok sa Simultaneous Coastal Clean-up Drive

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Simultaneous Coastal Clean-up Drive sa Barangay Lago, Glan, Sarangani Province nito lamang ika-14 ng Mayo 2024.

Nagsagawa ng sabayang paglilinis ng baybayin na pinagtulungan ng mga kasapi ng 5th SOU, Glan MPC, mga kabataan at guro ng Jose A. Young Integrated School, mga Intern na mag-aaral ng Glan Institute of Technology, at mga boluntaryo ng Saviors of the Sea. Kabuuang limang (5) sako ng basura ang nakuha mula sa lugar.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, kayang-kaya nating makamit ang isang mas malinis at mas maayos na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Panulat ni Arki

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *