347 Miyembro ng BPAT, nakatapos ng Training
Matagumpay na natapos ng 347 miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa 21 barangay ng Tandag City ang kanilang training na sama-samang inorganisa ng City Government of Tandag, Department of Internal and Local Government (DILG), at ng Tandag Component City Police Station (TCCPS) na isinagawa noong Mayo 17, 2024, sa Villa Luisa Hotel, San Agustin Sur, Tandag City, Surigao del Sur.
Kasama sa mga tinalakay na paksa sa training ang Barangay Intelligence Network, Basic First Aid, Papel ng Unang Tagatugon, Pamamahala ng Trapiko, Mga Pamamaraan sa Tactical Handcuffing at Pag-aresto, Pagpapatrolya, at ang mga Prinsipyo at Pamantayan ng Karapatang Pantao.
Bukod sa training, personal na ipinamahagi ni Mayor Pimentel ang mga unipormeng damit, flashlight, posas, at baton sa mga miyembro ng BPAT upang tulungan sila sa kanilang pagpapatrolya.
Layunin ng training na mapahusay ang kasanayan at kahandaan ng mga BPATS upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad, mas mapabuti ang kakayahan sa pagpapatupad ng batas, at pagpapalakas ng bolunterismo.