BPATs ng Apayao, nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa isinagawang clean-up drive sa kahabaan ng Barangay Turod, Luna, Apayao nito lamang Mayo 17, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Luna Municipal Police Station sa ilalim ng superbisyon ni PCpt Gemma A Lumayyung, Officer-In-Charge, na nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team.

Ang mga nasabing grupo ay sama-samang namulot ng mga kalat at basura sa nasabing lugar at nakalikum ng sako-sakong basura.

Ang aktibidad ay naglalayong hikayatin ang kamalayan ng mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at itaguyod ang kahalagahan ng pagpapanatili at tamang paraan ng pagtapon ng mga basura.

Panulat ni Melanie

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *